Showbiz News

Gladys Reyes and Christopher Roxas celebrate 24 years of togetherness

By OWEN ALCARAZ

Eleven years as boyfriend and girlfriend and 13 years as married couple makes for 24 years of togetherness! Such is the relationship of Gladys Reyes and husband Christopher Roxas.

 

Unang nagkakilala ang dalawa sa set ng isang sikat show noong '90s. Taong 2004 nang magdesisyon ang dalawa na magpakasal. Ngayon ay ipinagbubuntis ni Gladys ang kanilang pang-apat na anak.

 

Ang mag-asawa kapwa may mensahe para sa isa't isa na ibinahagi nila sa kanilang followers sa social media.

"Happy anniversary bebe...ano pa nga ba hihilingin natin? Sapat ang meron tayo para sa isa't isa...like what I said ..we are not lucky..we are blessed..thank you for the love patience and understanding..luv u sooo much - Counfucius," saad ni Christopher.

"Bebe, thank you for loving, understanding, and taking good care of me and our beautiful children with all your heart!" bahagi ng message ni Gladys.

 

Kaugnay pa rin ng pag-alala ng mag-asawa sa kanilang anibersaryo, niregaluhan ni Gladys si Christopher ng motorsiklo, isang Royal Enfield motorcycle.

 


Salamat sa tulong ng mga kaibigan ng mag-asawa, ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, nakakuha ng special deal si Gladys at Christopher.

 

Happy anniversay, Gladys at Christopher!

MORE ON GLADYS REYES:

It's a boy for Gladys Reyes!

Gladys Reyes, nakikitaan ng potential si Inah de Belen

Gladys Reyes, may comment tungkol kay Thea Tolentino at Jeric Gonzales