Celebrity Life

LOOK: Rufa Mae Quinto's post-baby body photo

By OWEN ALCARAZ

Matapos makapanganak ng komedyanang si Rufa Mae Quinto, buong tapang nitong ibinahagi sa kanyang social media followers ang larawan ng kanyang pigura ngayong araw (March 27).

Sa kanyang post ibinahagi rin ng aktres ang kanyang karanasan sa post partum.

Aniya, "I lost 40 lbs in a month...Wow! Amazing! 'Pag ganito ang lagay e 'di forget na ang emote at post partum. Mag ready na ako sa beach this summer 2017!"

Kapansin-pansin rin na mayroon pa ring tinatawag na linea negra ang tiyan ni Rufa Mae, bagay na natural lamang sa mga nagbuntis at nawawala rin paglaon.

 

Sa isa pang hiwalay na post ni Rufa Mae, nagbigay siya ng detalye patungkol sa kanyang post-partum experience. 

"Part ng post partum ko, 'di ko ma-explain. I can't stand to be out. Parang I wanna scream. Tapos nabibingi ako, gusto ko umuwi agad sa bahay."

Sa kabila ng nararanasan, patuloy namang lumalaban ang aktres. "Slowly regaining all my hormones and confidnece para sa anak ko. I want her to see me ok so I can take care of her."

 

 

MORE ON RUFA MAE QUINTO:

READ: Rufa Mae Quinto is excited for Baby Alexandria who turns a month old

READ: Rufa Mae Quinto, di alintana ang pagbabago sa katawan matapos manganak

Rufa Mae Quinto on being a mom: "Todo na 'to!"