Celebrity Life

LOOK: Kapuso stars observe Holy Week traditions

By MARAH RUIZ

Maraming iba't ibang tradisyon tuwing panahon ng Kwaresma ang mga Katoliko.

Isa na dito ang Visita Iglesia o ang pagbisita sa pitong simbahan tuwing Huwebes Santo. 

Sa gitna ng kanilang mga bakasyon, nakuha pa rin ng ilang Kapuso stars na i-observe ang tradisyon.

Sa Italy nagbabakasyon si Henyo Master Joey de Leon kasama ang kanyang pamilya. Nagkaroon sila ng pit stop sa Rome para mag-attend ng misa ni Pope Francis sa Vatican. 

 

Kasama ni Philippine Comedy Queen Aiai Delas Alas ang kanyang pamilya sa pagbi-Visita Iglesia.

 

Pamilya din at kanyang nobyang si Dianne Medina ang kasama ni Rodjun Cruz sa kanyang Visita Iglesia.

 

Stations of the Cross naman ang pinagkaabalahan ng pamilya nina Bae-by Baste.

 

Malapit naman sa Mount Cabuyao sa Tuba, Benguet nag-Stations of the Cross sina Wyn Marquez at Mark Herras.  

 

Samantala, nanatili man si Ken Chan sa bahay, pinanood naman niya ang religious film na Son of God na bahagi ng Holy Week specials ng GMA.

 

MORE ON KAPUSO HOLY WEEK:

WATCH: Foreign destinations ng Kapuso stars ngayong Holy Week

Travel destinations ng mga Kapuso ngayong Holy Week