Celebrity Life

EXCLUSIVE: Kyline Alcantara at Jeric Gonzales, umaming may posers sa social media

By Michelle Caligan

By Michelle Caligan, Interview by Jansen Ramos

Isang social media poser ang role na gagampanan ni Kyline Alcantara sa episode ng Magpakailanman ngayong Sabado, January 27.

IN PHOTOS: Sina Kyline Alcantara at Jeric Gonzales sa 'Magpakailanman'

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com sa dalawang Kambal, Karibal stars, ibinahagi nila ang kanilang naging karanasan sa pagkakaroon ng poser.

"Oo, madami. Mayroong negative, pero halos lahat naman positive. Saka once may nagpadala sa akin ng flowers kasi akala niya ako ang nakakausap niya. [Sabi niya,] 'Di ba nag-uusap tayo lagi sa chat?' 'Hindi po, hindi po,'" kuwento ni Kyline.

Dagdag pa niya, "Binalaan ko siya through my admins, para sila na po ang kumausap doon sa person na 'yun."

Ganito rin ang naging pahayag ni Jeric. Aniya, "Maraming negative, kasi ginagamit to talk sa ibang tao. Marami ang nagsasabi sa akin na kung ano-ano raw ang pino-post, mga negative para masiraan."

Abangan sina Kyline at Jeric sa 'My Life as a Poser' episode ng Magpakailanman this Saturday, January 27, pagkatapos ng Pepito Manaloto.