Celebrity Life

READ: Bela Padilla pumalag sa netizens na pinuna ang kaniyang tiyan sa Instagram

By Aedrianne Acar

Naglabas nang pagkadismaya ang former Magdalena star na si Bela Padilla sa Twitter matapos makatanggap ng ilang negative comments sa kanyang Instagram photo sa beach.  

Makikita sa post ng aktres na naka-upo ito sa beach side sa Amanpulo, Palawan na kita ang kaniyang tiyan.

 

Sunod-sunod ang Twitter posts ni Bela, kung saan nalungkot ito sa mga puna ng ilang netizens sa kanyang photo.

Wala daw siyang planong i-edit ang kanyang mga larawan sa social media, dahil may masamang mensahe ito na ibinibigay sa kabataan.