
Abah, mag-kapitbahay pala ang dalawang komedyante na mula sa magkaibang istasyon pero Paolo Ballesteros and Pokwang prove that there’s no rivalry!
Binista ng Eat Bulaga host ang kanyang comedian neighbor, ang ina ni Pokwang at ang celebrity baby nito na si Malia O’Brian.
Gigil na gigil ang Dabarkad sa anak ng Kapamilya actress at American actor na si Lee O’Brian. Ayon sa komedyante, nagustuhan din ng kanyang baby girl si Paolo, “Smile agad si Malia [nang] makita [siya].”
Nagpasalamat si Pokwang sa aktor sa kanyang dinalang spicy seafood pasta.