Celebrity Life

Kapatid ni Janine Gutierrez, nag-react sa birthday message nito sa rumored BF na si Rayver Cruz

By Aedrianne Acar

Extra special ang 29th birthday celebration ng aktor na si Rayver Cruz this weekened dahil nakasama niya ang rumored girlfriend na si Janine Gutierrez.

Rodjun Cruz's birthday message for baby bro Rayver

Makikita sa Instagram stories ni Rodjun Cruz na kasama nila ang Victor Magtanggol actress sa isang simpleng dinner sa Italian resto na Da Gianni.

 


May kilig birthday message din ang Kapuso showbiz royalty sa Kapamilya hunk sa Instagram na may mahigit sa 59,000 likes na.


Maraming celebrities ang nag-react sa kilig post na ito pati na rin ang lalaking kapatid ni Janine na si Diego Gutierrez.