Celebrity Life

LOOK: Sheena Halili, engaged na sa kanyang lawyer boyfriend

By Jansen Ramos

Hindi napigilang maluha ni Kapuso actress Sheena Halilii matapos siyang sorpresahin ng isang marriage proposal ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Jeron Manzanero.

#TamangPanahon: Meet Sheena Halili's boyfriend, Atty. Jeron Manzanero

Naganap ito loob ng isang sinehan sa Greenhills, San Juan kagabi, August 26.

"SIYA ANG PANALANGIN KO #SHEenaSAIDYES #SHEENAbiniyaYES #sheenimo" sulat ng 31-year-old actress sa Instagram.

Ibinahagi naman ng kanyang showbiz friend na si Rich Asuncion sa Instagram ang ilang snippets mula sa proposal.

November 2017 nang isapubliko ni Sheena ang kanyang relasyon kay Jeron.