Celebrity Life

LOOK: Rocco Nacino takes care of Melissa Gohing after being confined in a hospital

By Jansen Ramos

To the rescue si Kapuso actor Rocco Nacino matapos isugod sa emergency room ng isang ospital ang kanyang girlfriend na si Melissa Gohing kahapon, September 23.

Kakabalik lang ng bansa ng volleyball player galing Thailand noong siya'y ma-ospital. Isa siya sa mga kinatawan ng Pilipinas para maglaro sa 2018 AVC Asian Cup sa Nakhon Ratchasima.

Photo by: gohingmelissa (IG)

Ayon sa Instagram Stories ni Rocco, kinailangang i-confine si Melissa matapos ang araw-araw na paglalaro nito.

Inalagaan ng Pamilya Roces star ang kanyang girlfriend at nagsilbi ring private nurse nito.

Photo by: nacinorocco (IG)