Ibinida ng Kapuso star ang kanyang prized possession, na katas ng kanyang unang sweldo sa showbiz.
Ang first major investment ng 19-year-old Kapuso actress ay ang kanyang customized white Toyota Grandia van.
Sa kauna-unahang beses, ipinakita ng young actress kay TV host Rhea Santos ang kanyang sasakyan.
Kuwento pa niya, “Sabi nila, kapag nag-invest kayo ng car, it invites more work [na] parang tuloy-tuloy.”
Favorite ni Mikee ang kanyang beauty corner. Dito na raw siya nag-aayos kapag on the way to work.
Pang-artista talaga ang peg ng kanyang beauty corner.
Always ready din ang aktres sa kanyang wardrobe.
May comfy corner rin ang kanyang sasakyan para sa long taping hours sa set.
Equipped with entertainment pa ang kanyang van.
Relaxing talaga ang mga upuan sa loob ng kanyang car. Artista life!
“Convenient” at kumportable ang peg ni Mikee noong pina-customize niya ang kanyang van.
First dibs ang kanyang co-stars na naka-experience ng kanyang comfy car noong nanuod sila ng isang episode ng 'Encantadia.'