Kilalanin ang ilan sa mga personalidad na kabilang sa 18 roses ni Bianca Umali sa kanyang debut party sa March 17.
Malapit si Bianca sa executives ng Kapuso network, kabilang na kay First Vice President for Program Management Joey Abacan,
Inamin ni Baeby Baste na crush niya si Bianca nang makalaro niya ito sa Jackpot En Poy.
Kasama rin sa 18 roses ng dalaga ang kanyang stylist na si John Paul Dizon.
Nagkatrabaho sina Bianca at Ryan Agoncillo sa Kapuso sitcom na 'Ismol Family.'
Naging co-stars naman sa Afternoon Prime series na 'Mga Basang Sisiw' sina Bianca at 'Hindi Ko Kayang Iwan Ka' actor Mike Tan.
Si Don Michael Perez ang direktor ng primetime series na 'Kambal, Karibal' na pinagbibidahan ni Bianca.
Naging direktor ni Bianca si Dominic Zapata sa 'Mulawin VS Ravena' at 'Ismol Family.'
Crossfit coach naman nina Bianca at Miguel si Dandy Chua.
Nakatatandang kapatid ni Bianca ang editor-in-chief ng FHM na si Antonio Umali.
Si Dandy Chua din ang Crossfit coach ni Rodjun Cruz kaya naging malapit sila ni Bianca. Magkakasama rin silang umakyat ng bundok last December.
Si Wilfred Villaruel ang handler ni Bianca sa GMA Artist Center.
Nakasama nina Bianca at Miguel si Miggy Jimenez sa dating primetime series na 'Once Upon A Kiss.'
Siyempre, hindi mawawala sa debut party ni Bianca ang kanyang love team partner na si Miguel Tanfelix.