Celebrity Life

WATCH: Aiai Delas Alas, natupad ang wish na makahiga sa snow

By Michelle Caligan

Kasalukuyang nasa Japan ang newlyweds na sina Aiai Delas Alas at Gerald Sibayan para sa kanilang honeymoon.

LOOK: Must-see photos of the star-studded wedding of Aiai Delas Alas  and Gerald Sibayan

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang Comedy Queen ng isang video kung saan makikitang naglalaro silang mag-asawa sa snow.

 

Ani Aiai sa caption, sa wakas daw ay nakahiga na siya sa nyebe kahit napakalamig sa Kawaba Ski Resort.

"Thank you LORD nakaka-experience kami ng ganito and nakakapunta kami sa ganitong lugar kahit sobrang lamig nakahiga na rin ako sa snow," saad niya.