Bubble Gang: Bad ang Thumb Sucking | GMANetwork.com - Entertainment - Home of Kapuso shows and stars - Articles

Yaya wants Angelina to stop thumb sucking—magagawa ba niya itong pahintuin?

Pinakabagong weekend program schedule, magsisimula na ngayong Agosto



Mas lalo pang magiging kaabang-abang at siksik sa news at entertainment ang inyong Sabado at Linggo dahil sa bagong lineup ng mga weekend shows ng Kapuso Network.  Kasabay din nito ang pagdating ng mga bagong palabas na siguradong papanoorin at tatangkilikin ng mga manonood.

Simula August 4, ang inyong paboritong Eat Bulaga ay babalik sa 12:00 noon slot nito tuwing Sabado. Ang Startalk TX na kasunod nito ay magsisimula na at 3:00 p.m.

Ang Together Forever nina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose naman ay lilipat sa Sabado ng hapon at mapapanood by 4:30 p.m.

Ang Pinoy Adventures na dati ring nasa Sunday lineup ay mapapanood na on Saturdays at 6:00 p.m. pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Nalipat naman sa 6:45 p.m. slot ang Wish Ko Lang, samantalang mapapaaga ang Kapuso Mo, Jessica Soho at 7:45 p.m. na susundan naman ng Kapuso Movie Nightat 9:15 p.m.

Magtatapos ang inyong Sabado with Tunay na Buhay at 11:15 p.m. and Walang Tulugan with the Master Showman at 12:00 midnight.

Magkakaroon din ng malaking pagbabago sa inyong Linggo simula August 5. Ang Party Pilipinas ay masusundan na ng Manny Many Prizes at 2:45 p.m.

Kasunod naman nito ang pinakamainit at pinakabagong magazine show ng bayan, ang HOT TV at 4:00 p.m.

Ang 24 Oras Weekend na kasunod ng HOT TV ay susundan naman ng Imbestigador na dating napapanood tuwing Sabado ng gabi. Nilipat ito sa mas maagang oras na 6:00 p.m. tuwing Linggo.

Mapapaaga na rin ang iba pang Sunday shows tulad ng Kap’s Amazing Stories at iBilib Season 2, na lalabas pagkatapos ng Imbestigador.

Simula na rin ang search for the next big artista sa Protégé Gala Night at 8:30 p.m.

It will be followed by Tweets for My Sweet sa bago nitong oras na 9:30 p.m. at ng Pare & Pare na mapapanood na at 10:15 p.m.

Huling mapapanood during Sundays ang Sunday Night Box Office sa bago nitong oras na 11:00 p.m.

Don’t forget to visit www.gmanetwork.com para sa complete program guide and the latest updates on your favorite Kapuso shows and stars.