Article Inside Page
Showbiz News
Bakit iniwan ng upcoming 'InstaDad' star na si Jazz Ocampo ang Kapamilya network?
By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
May latest addition sa listahan ng Kapamilya turned Kapuso stars dahil official na ang paglipat ni Jazz Ocampo sa GMA.
Nang makausap namin si Jazz sa story conference ng upcoming GMA weekend show na InstaDAD, ibinahagi niya ang dahilan ng kanyang paglipat sa Kapuso network.
“I just wanted to explore new things kasi nga po it's a bit too crowded there. Kailangan ko munang mag-explore ng other opportunities and how I would expand as an artist po,” pahayag ni Jazz.
“They [Kapamilya stars] are so many and siyempre, bago [pa lang ako] so I’m at the back of the line,” dagdag pa niya.
Nagdesisyon si Jazz na umalis na sa ABS-CBN dahil hindi siya nabibigyan ng projects dito. Kaya naman nagbakasakali siya sa GMA.
Hindi nagkamali si Jazz sa kanyang desisyon. “So I checked it here [GMA] and luckily, thank God, nabigyan ako kaagad [ng project]. Wala pa akong one month!”
Labis daw ang tuwa ni Jazz nang ibigay sa kanya ang InstaDAD kung saan makakasama niya sina Gabby Eigenmann, Gabbi Garcia at Ash Ortega.
“Talaga namang tumataba ang aking puso dahil Kapuso na po ako. I feel so blessed talaga to have a project like this one,” ani Jazz.
Dahil bago pa lamang si Jazz sa Kapuso network, kakaunti pa lang ang kilala niyang GMA artists. Pero pag-amin niya, mayroon siyang listahan ng mga gusto niyang makatrabaho in the future.
“I really wanted to see Rocco Nacino po 'cause I'm a fan. And I also like Glaiza de Castro. I like her kasi she knows how to dance, sing, and act,” pagtatapos ni Jazz.