Mikael Daez gives his straight answer.
By AEDRIANNE ACAR


PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Maraming malalaking pangalan ang nai-guest ng family-oriented show na Ismol Family simula ng umere ito noong June 22, 2014.
Nandiyan nang bumisita ang Kapuso hunk na si Tom Rodriguez, former MTV VJ Donita Rose at mga veteran actors na sina Chandra Romero at Roi Vinzon.
Kung si Mikael Daez ang tatanungin, sino kaya sa mga dati nilang guest celebrities ang gusto niyang maging regular sa show?
Sagot ng Kapuso actor, “Alam mo si Boobay patok na patok, medyo semi-regular na nga siya eh. Si Boobay talaga. Laugh trip siya and ang saya.”
Kung si Mikael daw ang masusunod, gusto niyang magkaroon ng isang episode kung saan pagsasama-samahin ang lahat ng kanilang mga guests.
Aniya, “I mean, well, lahat naman [ng] nag-gi-guest sa amin sobrang natutuwa sila. So, it would be nice lagi magkaroon ng mga guest.
“Okay nga kunwari may isang bonggang party na lahat ng guest nandun."
Watch the funny moments of Boobay in Ismol Family:
Related Videos