Showbiz News

EXCLUSIVE: GMA executive Redgie Magno, nagulat din sa proposal ng anak na si Pancho Magno kay Max Collins

By AL KENDRICK NOGUERA

Noong Mother's Day, isa na siguro sa mga nakapagandang regalo na natanggap ni GMA Entertainment TV Vice President for Drama Redgie A. Magno ang balitang engaged na ang kanyang anak na si Pancho Magno kay Max Collins.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com sa GMA executive, inamin niyang pati siya ay nasorpresa sa engagement nina Pancho at Max. "Nagulat ako dahil nag-post. Alam ko na they have plans. Alam ko na noong nagplano siya na magbigay ng ring. Nag-post sila noong papunta pa lamang kami sa dinner eh, noong Sunday. Hindi niya (Pancho) nakita 'yung real reaction ko kasi nakita ko lang din sa Facebook," saad niya.

Hindi raw maipaliwanag ni Magno ang kanyang nararamdaman para sa anak. Aniya, "This is the first sa mga anak ko [na na-engage] so I have mixed emotions - happy and excited. Siyempre iisipin mo, one member of the family will now have his own family."

Kuwento ni Magno, suportado naman daw niya ang pagpapakasal ng dalawang Kapuso stars. "I will be always there naman to give my support, morally, emotionally, even financially if there's a need," pahayag niya.

Pero dagdag niya, bukod sa kasalan ay mayroong bagay na mas excited siya. "Siyempre 'yung gusto ko na magka-apo. Kasi gusto ko 'yung habang lumalaki 'yung mga apo ko, 'yung puwede pa akong makipaglaro sa kanila. Doon ako mas na-e-excite," paliwanag niya.

Bahagi pa ni Magno, pag-uusapan pa raw nila ng kanyang pamilya ang mga plano sa kasal nina Pancho at Max. "Right now, of course I'm happy. Wala namang nanay na hindi magiging happy," pagtatapos niya.

 

 

LOOK: Max Collins, engaged na kay Pancho Magno?

Photos by: @magnopancho(IG)