Showbiz News

Jenine Desiderio, hindi pinaniwalaan ni Janella Salvador nang ibulgar na nangungupit ang driver

By Aedrianne Acar

Ramdam ang matinding pagkadismaya ng former Sinner or Saint actress na si Jenine Desiderio nang magkuwento ito sa Facebook na hindi siya pinaniwalaan ng anak na si Janella Salvador.

READ: Jenine Desiderio, hindi binati ng anak na si Janella Salvador noong Mother's Day?

Ayon sa post ng former Kapuso actress sa Facebook noong nakaraang Linggo (September 16), nalungkot siya na mas pinili na paniwalaan ni Janella ang kaniyang driver kahit ilang beses na niya na nahuli ito na nangupit sa anak.

Makikita rin sa palitan ng komento ni Jenine sa ilang netizens ang pagkadismaya nito sa tingin ng anak niya na nakikialam ito sa kaniyang buhay.

“Sadly, she does not agree to all that. She thinks she knows better. She thinks I'm just meddling.”

Anak ng celebrity mom si Janella sa band vocalist na si Juan Miguel Salvador.