GMA Logo Rocco Nacino with his parents
What's Hot

Rocco Nacino says his dad played significant role in his 'StarStruck' stint

By Dianara Alegre
Published June 18, 2020 7:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino with his parents


Katuwang ni Rocco Nacino ang kanyang tatay na si Ralph Nacino sa pagdedesisyon sa buhay at career.

Ibinahagi ni Descendants of the Sun PH star Rocco Nacino na malaki ang papel na ginampanan ng tatay niyang si Ralph Nacino pagdating sa kanyang mga desisyon sa buhay, lalo na sa kanyang career.

Aniya, sa tatay niya natutunan ang kahalagahan ng karanasan sa kahit anong mga nais niyang pasukin sa buhay, maging sa pagpasok sa showbiz at pagsisimula ng negosyo.

“Sa kanya ko nakuha 'yung, 'Experience is Everything,' tsaka 'yung sinasabi ko na 'You only fail if you don't try.'

"So 'yung experience ko with 'StarStruck,' with businesses, siya ang dahilan doon.

“'Yung push na you get from your father to say it's okay to fail. Doon ko nakukuha 'yung lakas ng loob ko to really jump into something. Tsaka 'yung mga daddy natin, best advisers din 'yan,” aniya.

The board says it all. Train our mind and body to be disclipined and productive, so we can fight this pandemic with ease. Staying at home, staying productive, plan your trip especially going to the groceries, constantly practicing hygiene and almost never touching your face. Train hard mga kababayan, discipline is the key. @rudyprojectph is coming out with clear protective eyewear as our personal protection for our daily activities! Check out their page for updates 👊🏽 #SafetyIsClear #RudyProjectPh #PhilippineNavy #NavSOG

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco) on

Rocco Nacino, tumulong sa construction work ng kanyang bahay

Rocco Nacino donned with the rank of Petty Officer Third Class in the PH Navy anew

Rocco Nacino spends 33rd birthday "boosting the morale" of COVID-19 frontliners

Samantala, bilang isang Navy reservist ay aktibo si Rocco sa COVID-19 initiatives ng Philippine Navy para makatulong sa frontliners.

Kabilang na rito ang feeding program nila kamakailan para sa marine frontliners na ibinahagi niya sa kanyang social media account.

“Supported yesterday's feeding activity for our quarantined marine soldiers spearheaded by Brigadier General Cherisse Manzano of the Marines.

“Pinuntahan namin ni Melissa Gohing at ng team S.T.A.R.S ng Philippine Navy ang mga frontliners natin upang mapasalamatan sila nang personal sa tulong na ginagawa nila para satin,” aniya.

Binanggit din ni Rocco ang mga naging sakripisyo ng mga sundalo para sa kaligtasan ng publiko at pinasalamatan ang ito sa kanilang katatagan.

“Isipin mo, pagkatapos mo magserbisyo, kailangan mo pa rin magpaquarantine. Imagine 'yung tagal na 'di mo makakasama ang pamilya nyo.

“Strict contact policy kahapon, kaya kwentuhan from afar nalang ang naganap with our frontliners.

“Muli, salamat sa inyo, sa officers natin, at sa kapwa natin reservists at volunteers na nagtutulong tulong para makabangon tayo agad. Snappy salute!” aniya.

Supported yesterday's feeding activity for our quarantined marine soldiers spearheaded by Brigadier General Cherisse Manzano of the Marines. Pinuntahan namin ni @gohingmelissa at ng team S.T.A.R.S ng Philippine Navy ang mga frontliners natin upang mapasalamatan sila nang personal sa tulong na ginagawa nila para satin. Isipin mo, pagkatapos mo magserbisyo, kailangan mo pa rin magpaquarantine. Imagine yung tagal na di mo makakasama ang pamilya nyo. Strict contact policy kahapon, kaya kwentuhan from afar nalang ang naganap with our frontliners. Muli, salamat sa inyo, sa officers natin, at sa kapwa natin reservists at volunteers na nagtutulong tulong para makabangon tayo agad. Snappy salute! #PhilippineNavy

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco) on

Rocco Nacino at Melissa Gohing, katuwang ng PH Navy sa feeding activity

Rocco Nacino and Melissa Gohing launch COVID-19 fundraiser

Rocco Nacino admits his corgis make him happy during quarantine

Isa si Rocco sa mga celebrity na patuloy na tumutulong sa frontliners at mga nangangailangan na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.