Showbiz News

Diana Zubiri, na-achieve na ang pre pregnancy weight

By Rowena Alcaraz

Kamakailan ay nagdiwang ng first birthday ang anak ni Diana Zubiri sa model na si Andy Smith, si Baby Aliyah Rose.

LOOK: Celebrities flock to the first birthday party of Diana Zubiri's daughter

Pero bukod sa birthday celebration, may isa pang dahilan para magdiwang ang akres at ito ay ang pagbabalik na kanyang pre pregnancy weight.

Ibinahagi ni Diana sa kanyang social media followers ang kanyang magandang balita.

Aniya, "Isang taon na nakalipas, Na achieve ko na ang pre pregnancy weight ko sa tulong ng breastfeeding, tamang pagkain at exercise. Dahan dahan lang talaga dapat para hindi mabinat."

Dagdag ni Diana, kasya na ang one-piece swimsuit na pinagawa niya base sa dati niyang sukat at ito ang suot niya sa larawan.