Showbiz News

WATCH: Dingdong Dantes at Marian Rivera, hindi lang #fitspirations, #relationshipgoals pa!

By Gia Allana Soriano

Sabay nagwo-workout ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, kaya naman hindi lang sila #fitspirations, #relationshipgoals pa! 

 

Ani Marian, "Mahirap siya pero kaya naman. Sabay kami nag-ti-training, so nakaka-inspire rin. Sabi ko nga hindi ako naggi-gym para pumayat o whatever, ang gusto ko ay maging mas healthy ako, at maging mas malakas ako."

 

May balak din kaya magpahinga at magbakasyon ang dalawa? Aniya plano nila mag-trip to Europe pero agad din silang babalik sa Pilipinas. Paliwanag ni Yan, "Parehas kami may trabaho, and at the same time si Dong may movie din na ginagawa so kailangan namin bumalik agad."

Panoorin ang buong report sa 24 Oras: