
Kasalukuyang nasa bakasyon si Heart Evangelista kasama ang kanyang pamilya ngayong long weekend.
Ginulat ng Kapuso actress ang kanyang social media followers nang mag-post siya ng photo sa Instagram kung saan nakasuot siya ng two-piece swimsuit.
"All smiles on this sunny, sunny day," saad niya sa caption.
Mabilis namang binaha ng positive comments ang kanyang post.