GMA Logo Pacquiao family working out
What's Hot

Pamilya Pacquiao, intense ang workout ngayong quarantine

By Dianara Alegre
Published April 30, 2020 10:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Experience a heartwarming taste of Christmas
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Pacquiao family working out


Siguradong intense ang workout routine ng Pamilyang Pacquiao dahil boxing champion si Sen. Manny Pacquiao!

Dahil athlete ang padre de pamilya na si Boxing champ at Senator Manny Pacquiao, hindi maiiwasan na maging intense ang workout ng mga anak niyang sina Jimuel at Michael.

Pati ang asawa niyang si Jinkee at mga anak na babaeng sina Mary Divine Grace at Queenie ay into exercise na rin.

Sa Instagram Story ni Jinkee nitong Miyerkules, April 29, ipinasilip niya ang ilang exercise na kabilang sa kanilang workout routine.

Bukod dito, makikitang sabay-sabay na nagpapapawis ang pamilya. Hilig siguro talaga ng Pacquiao family ang gawin ang mga bagay-bagay na magkakasama dahil sabay-sabay din sila sa pagdarasal at maging sa ilang leisure activities.

Sina Princess at Mary Divine Grace ay nagpapatibay ng kanilang leg at core through jump rope exercise. Si Michael naman, intense ang push-ups pattern.

Samantala, sparing naman ang paraan ng exercise ni Jimuel na dati nang nagpahayag na nais niyang sumunod sa yapak ng ama niya sa mundo ng boxing.

Siyempre, ang trainer niya ay walang iba kung 'di si Manny.

READ: Manny Pacquiao, may payo sa aspiring boxer na anak na si Jimuel

Para naman kay Jinkee, makikita sa ilang posts niya sa Instagram na kabilang sa routine niya ang pagpapawis sa thread mill.

Dahil extended ang enhanced community quarantine, mas mabibigyan pa ng “workout squad” ang paglalaan ng oras sa pag-e-ehersisyo.

WATCH: Jimuel wants dad Manny Pacquiao to retire