
Ngayong 2023, mapapanood sa GMA ang mystery drama series na The Missing Husband na pagbibidahan nina Rocco Nacino at Yasmien Kurdi.
Kabilang sa mga tatalakayin dito ay ang ilang scam-related issues na ilalahad at bibigyang-buhay ng mga karakter sa serye.
Ang lead stars ng naturang series na sina Rocco at Yasmien ay may payo sa viewers at netizens sa pag-iwas sa mga scam.
Paalala ni Rocco, “Mag-ipon tayo tapos magtabi tayo ng pera na gagamitin natin pang-invest. Pero kailangan din natin magtabi ng pera para sa emergency. Kunwari ganyan ma-scam, hindi talaga masisira buhay n'yo.”
Payo naman ni Yasmien, “Ang hirap talagang mag-trust. Make sure na talagang lehitimo 'yung tao, mayroong ID, nanggagaling sa maayos na company, may DTI…Kailangan n'yo mag-research about the person or company bago kayo pumasok sa isang investment.”
Mapapanood sina Rocco at Yasmien sa The Missing Husband bilang mag-asawa na sina Anton at Millie Rosales.
Sa isang panayam, inamin ng Kapuso actor na minsan na siyang naging biktima ng isang investment scam at halos six digits ang nawala sa kanya.
Bukod kina Rocco at Yasmien, mapapanood din sa mystery drama series sina Jak Roberto, Nadine Samonte, Sophie Albert, at Joross Gamboa.
Samantala, sagutan at silipin ang poll sa ibaba:
SILIPIN ANG SET NG THE MISSING HUSBAND SA GALLERY SA IBABA: