
Matapos mapanood sa Start-Up PH noong nakaraang taon, ready na ulit ang award-winning actress na si Yasmien Kurdi para sa isa na namang major role sa isang teleserye.
Ngayong 2023, mapapanood si Yasmien bilang isa sa mga bida sa mystery drama series na The Missing Husband.
Makikilala siya sa serye bilang si Millie, ang asawa ni Anton na gagampanan naman ng aktor na si Rocco Nacino.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Yasmien ang ilang paghahanda na kanyang ginawa para sa kanyang bagong karakter.
Pagbabahagi niya, “Ganito 'yung look ko, medyo black… may bangs tapos short hair para magkaroon ng certain vibes na wife.”
Tila, todo effort si Yasmien sa paghahanda para sa kanyang role bilang si Millie dahil bukod sa kanyang new look, nagbawas din ng timbang ang aktres.
Pahayag ng aktres, “Foodie pa rin naman ako until now, pero when I eat, I make sure na I work out. Lagi mo ring pipiliin 'yung kinakain mo…”
Ang The Missing Husband ay isang pangmalakasang drama na tungkol sa pag-ibig at tatalakay sa istorya ng mga nabibiktima ng scammers.
Pahapyaw ni Yasmien, “Gaano ba katatag ang pagmamahalan ninyong dalawa despite na lahat ng pinagdadaanan n'yo sa buhay. Kung kakayanin n'yo pa rin bang ipaglaban ang pagmamahal.”
Panoorin ang report na ito:
Courtesy: GMA Integrated News
Samantala, bukod kina Yasmien at Rocco, kabilang din sa cast ng serye sina Jak Roberto, Joross Gamboa, Nadine Samonte, Sophie Albert, Max Eigenmann, Cai Cortez, Bryce Eusebio, at marami pang iba.
KILALANIN ANG ILAN PANG KABILANG SA CAST NG THE MISSING HUSBAND SA GALLERY SA IBABA: