Showbiz News

Mag-amang Rey PJ at Carla Abellana, gaganap bilang mag-tatay sa 'Because of You'

By MICHELLE CALIGAN

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Balik primetime ang aktor na si Rey 'PJ' Abellana sa Because of You, and this time, gaganap siya bilang ama ng kanyang real-life daughter na si Carla Abellana.

READ: "He doesn't look his age" - Carla Abellana on Gabby Concepcion

Ayon sa ulat ni Iya Villania sa 24 Oras, mas nagiging exciting ang mga nangyayari sa teleserye dahil pagkatapos ng ilang chance encounters nina Conrado (Rey PJ) at Andrea (Carla), umamin na rin si Conrado na siya ang tunay na ama ng dalaga.

Magiging happy kaya ang father-daughter reunion ng dalawa? Abangan sa Because of You sa bago nitong time slot na 8:30 p.m. sa GMA Telebabad.

READ: 'Because Of You,' mapapanood na sa pinaagang time slot