Showbiz News

Vic Sotto, sa banyo raw nag-propose kay Pauleen Luna

By CHERY SUN

“Sa banyo.”

Ito ang natatawang sagot ni Pauleen Luna nang usisain siya ng mga lola kung saan nag-propose si Vic Sotto.

Patuloy na ikinuwento ng bride-to-be ang naging unique na wedding proposal ng kanyang fiancé.

Bahagi niya, “Galing siyang Hong Kong, tapos may pasalubong siya sa akin na isa. ‘Yun ‘yung inuna niya. Tapos sabi niya i-close ko daw ‘yung eyes ko dahil may isa pa. Pag-open ko, nandoon sa harap ko ‘yung singsing."

“Parang ayaw pa nga niya itanong eh. Sabi ko, ‘Nasaan ‘yung tanong?’ Sabi niya, ‘Kailangan pa ba ‘yun?’ Sabi ko, ‘Oo naman.’ Tapos ‘yun sinabi niya, ‘Will you marry me?" patuloy ni Pauleen.

Ibinuking din ng mga lola kung ano ang mga memorable moments ng engaged couple, pagkain sa reception at ilan pang detalye tungkol sa kanilang kasal.

Hindi kinumpirma nina Vic at Pauleen kung saan ang simbahang pagdadausan ng kanilang kasal ngunit parishioner daw dito si Bossing. Samantala, baby pink at taupe ang motif ng kanilang kasal.

Ano naman kaya ang theme song nilang dalawa?

“Theme song namin? Dessert,” ani Vic.

“Kasi siya ang dessert ng buhay ko. Ang dessert kailangan masarap, nasa dulo so eto na ‘yun," paliwanag niya.