Showbiz News

Vaness del Moral's tipid tip: 'Stop keeping up with the Kardashians'

By BEA RODRIGUEZ

Nakabili na ng 500 square meters na lupa ang Kapuso star na si Vaness del Moral noong siya ay dalawampu’t isang taong gulang pa lamang.


Ngayong taon, nagdesisyon ang aktres na ipatayo na ang kanyang dream home sa Antipolo malapit sa Valley Golf and Country Club, “Tapos na ‘yung plan ng bahay [so] pinag-iipunan na ngayon ‘yung pagpapatayo ng bahay mismo.
 
Ilang taon din itong pinag-ipunan ng Kapuso star kaya binahagi niya ang kanyang karanasan sa pag-iipon ng pera. Kuwento niya sa Mars, “Well, unang-una, sobrang kuripot din kasi talaga ako. Ang mga Ilokano, ganyan talaga so may mga bulsa kami sa balat. I only buy what I need, not what I want.”
 
Exception daw ang kanyang bagong proyekto, “Heto, want na rin siya, but need mo rin siya kasi hindi naman puwede forever ka nagre-rent.”
 
Pinaalala pa ng incoming Encantadia star na to live below your means. Bahagi ng Baguio native, “Marami akong kilalang tao na they live beyond their means. Kunwari, after a month or two months, kailangan na nilang ibenta ‘yung nabili nilang kotse [kasi] hindi nila kaya talaga.”
 
Payo ni Vaness, “Sabi nga nila, ‘Stop keeping up with the Kardashians. Keep up with your dreams.’”
 
MORE ON VANESS DEL MORAL:        

 
LOOK: Vaness del Moral's hair transformation for 'Encantadia'

Vaness del Moral bravely shares her sexual harassment experience