Celebrity Life

Heart Evangelista, ibinahagi ang ilang inspirasyon para sa kanyang paintings

By MARAH RUIZ

Lubos na pinaghihirapan ang pagpipinta ni Kapuso actress Heart Evangelista para mag-iwan siya ng marka bilang isang pintor sa larangan ng sining sa Pilipinas.

Layunin niyang magkaroon ng isang exhibit bawat taon sa loob ng limang magkakasunod na taon. Sa bawat exhibit, kailangang makagawa siya ng 12 hanggang 15 na paintings.

READ: Heart Evangelista, nanatiling positibo sa kabila ng pagtanggi ng mga art galleries noon

Naka tatlong exhibit na si Heart kaya naman naghahanda na siya para sa ika-apat niya.

Saan nga ba humahanap ng inspirasyon si Heart para sa napakaraming paintings na kailangan niyang gawin?

"Travelling, how a sunflower is different in Paris from the way it looks here because of the positoning of the sun. I travel and see different colors," kuwento ni Heart sa ilang piling miyembro ng media, kasama na ang GMANetwork.com.

"Street fashion inspires me to paint. Music inspires me to paint. Adele always taps a certain emotion. Poetry, books. A lot! Movies, people, lights," dagdag nito.

Kung hindi naman siya busy sa pagpipinta, taping o iba pang kolaborasyon, simple lang daw ang libangan ni Heart.

"My favorite activity is just sitting down and having lunch with my friends. It's a break for me kasi nga I'm doing it (painting) constantly so it can get overwhelming," paliwanag niya.

Bukod sa pakikipagkita sa kanyang mga kaibigan, may isang aspeto pa ng lunch out na talagang paborito niya. 

READ: Heart Evangelista, nagbigay ng pasilip para sa kanyang upcoming bag exhibit 

"I just wanna dress up. A nice OOTD (outfit of the day)—that's my favotire pastime. When I post an OOTD, it means I had a lunch out!" natatawang bahagi ng Juan Happy Love Story star. 

Nakatakda din si Heart na maglabas ng sariling line ng pabango, clutch bags at pati mga damit. 

MORE ON HEART EVANGELISTA:

Heart Evangelista, todo ang paghahanda para sa kanyang planong pagbubuntis

Heart Evangelista, ibinahagi kung paano ma-achieve ang look ni Happy sa 'Juan Happy Love Story'