Celebrity Life

Heart Evangelista thanks GMA for second shot in showbiz as she renews her Kapuso contract

By BEA RODRIGUEZ

 

Taos pusong nagpapasalamat si Kapuso star Heart Evangelista sa kanyang muling pagpirma ng two-year exclusive Kapuso contract kasama ang GMA executives na sina Chairman and CEO Felipe L. Gozon, President and COO Gilberto R. Duavit, Executive Vice President and CFO Felipe S. Yalong, SVP for Entertainment Lilybeth G. Rasonable, SAVP for Alternative Productions Gigi S. Lara at ang kanyang manager na si Arnold Mendoza.

18 na taon nang nasa showbiz ang magandang actress at halos kalahati ng kanyang karera ay nasa GMA Network nang magsimula siya rito noong 2008. “Thank you so much, GMA. I love you guys so much. You guys have given me a second chance in everything. I have really become somebody I didn’t think I’d be with their help. They really pushed me, inspired me and gave me the opportunities kaya maraming salamat.”

Pinasalamatan niya rin ang kanyang mga tagasuporta, “Maraming salamat sa pagmamahal. Nandiyan pa rin sila. Tinatangkilik ‘yung mga telenovelas ko so maraming salamat, mga Kapuso.”

Bukas ang aktres na bumida sa kahit anong proyekto, ayon sa kanyang panayam sa GMANetwork.com. “After Juan Happy Love Story, sobrang na-inlove ulit ako sa ginagawa ko, na na-excite ako [kasi] sobrang na-enjoy ko siya [at] refreshing siya. [Ang] dami ko nang naisip na gusto kong gawin. I really [want to] work.”

 

May naisip na raw siyang konsepto na kailangan niyang upuan kasama ang GMA Entertainment at ayon kay Rasonable ay papakinggan naman nila ang mungkahi ng kanilang prized talent.

“We’re very happy with the turnout of Juan Happy Love Story kasi we’ve seen Heart ‘yung dramatic actress [pero] pinakita niyang kaya pala niyang magpatawa. Ang daming natuwa, so mas na-excite kami to think of other projects that will challenge her as an artist ngayon na nakita na natin ang range ni Heart,” kuwento ng GMA Entertainment executive.

Ayon naman kay Mr. Duavit, for formality sake na lang raw ang pagpirma ni Mrs. Escudero, “We’re very proud to have Heart as a Kapuso talent at nagpapasalamat naman tayo sa kanilang patuloy na pagtitiwala.”

Ang mga abilidad raw ni Heart ang nagbibigay karangalan sa network, “[She] is one of the most versatile [and] professional artists we have, hindi lamang sa kanyang pagganap, kundi maski sa kanyang pagpinta [at] sa maraming sanga [ng sining].”

MORE ON HEART EVANGELISTA:

Heart Evangelista, "happy" to sign with GMA Network once more

Heart Evangelista, nagbigay ng pasilip para sa kanyang upcoming bag exhibit

Ready-to-wear dresses at makeup, ilang lang sa mga nakapilang projects ni Heart Evangelista