Showbiz News

EXCLUSIVE: Award-winning child actor Miggs Cuaderno, dream role ang maging superhero 

By AEDRIANNE ACAR

Makakasama sa pinakabagong superhero sitcom na Tsuperhero ang multi-awarded Kapuso child star na si Miggs Cuaderno. 

Matatandaan na inuwi ni Miggs ang Best Actor award mula sa Cheries Cheris International Film Festival sa France taong 2014 para sa Cinemalaya film na "Quick Changes" at Movie Child Performer of the Year mula sa 31st Philippine Movie Press Club Star Awards for movies last year para naman sa pelikulang “Asintado.” 

Sa exclusive sit-down interview ni Miggs Cuaderno sa GMANetwork.com, nagkuwento ang talented child performer na dream role niya maging superhero.  

Ani Miggs, “Sobrang saya ko po, kasi one of the dream roles ko maging superhero so ‘yun po dream come true talaga so masayang-masaya po.”

Kabilang sa cast ng Tsuperhero ang Kapuso loveteam nina Derrick Monasterio at Bea Binene.  Parte din ng cast sina Gabby Concepcion, Alma Moreno, Betong Sumaya, Philip Lazaro, Jemwell Ventenilla, Annalyn Barro at Valentin. 

Ano naman kaya ang opinyon ni Miggs kung paano magiging kakaiba ang show nila sa iba pang mga de-kalibreng sitcom ng Kapuso Network?  

Saad ng child star, “Special siya kasi iba siya sa mga natural na sitcom… pang masa siya talaga lahat, tapos superhero pa, so talagang ibang-iba siya. 'Yun ang espesyal niya ‘yung pagka-superhero niya kasi parang wala pa akong nakikitang superhero na sitcom.”

MORE ON 'TSUPERHERO':  

Derrick Monasterio aminadong na-conscious ng isinuot ang kaniyang 'Tsuperhero' costume

EXCLUSIVE: Betong Sumaya nagkuwento kung papaano dinamayan ng buong 'Tsuperhero' cast si Alma Moreno sa pagsubok na kinakaharap nito

'EXCLUSIVE: Gabby Concepcion pahinga muna sa mga heavy drama roles