Celebrity Life

Mikoy Morales reveals his musical influences

By MARAH RUIZ

Mga ballads mula sa mga tanyang na OPM singers tulad nina Ogie Alcasid at Gary Valenciano raw ang mga naunang musical influences ni Kapuso singer and actor Mikoy Morales. 

Bukod dito, malaki rin ang naging impluwensiya ng ilang Pinoy rock bands sa kanya. 

"Malaking factor din 'yun kasi 'yun 'yung stage ng buhay ko na nag-start ako tumugtog talaga. There was Hale, Cushe and of course, Sugarfree," pahayag niya sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com. 

Ngayon naman na naka-focus na rin si Mikoy sa pagsusulat ng mga kanta, bukod pa sa pagtugtog at pag-awit, nadagdagan din ang mga tinitingala niyang mga musical artists.

"Two of my biggest influences are Ebe Dancel and Vincent de Jesus—one of the renowned [Philippine] theater scorers and musical directors," aniya.

Isang album daw ni de Jesus ang nagsisilbing inspirasyon niya sa kanyang pagsusulat. 

"Magaling din siya magsulat ng songs na naka-theme sa musicals. He released an album ng lahat ng gusto niyang songs for himself. Ang title, 'Songs to Slash Your Wrists By,'" kuwento ni Mikoy. 

Sa katunayan, tinuturing niyang isang 'pang-gising' ang pakikinig sa nasabing album. 

"'Yung ginagamit niyang salita, ginagamit talaga kung paano ka kumausap ng tao kaya mas diretso siya, mas maiintindihan mo, mas madali kang ma-karelate, mas tagos. Ang laking pang-gising sa 'kin 'yun noong narinig ko 'yung songs," paliwanag niya. 

Eksklusibong narinig ang second single ni Mikoy na Sana sa dalawang nakaraang episode ng Maynila. Ito ang kanyang follow up single sa Pusong Hindi Makatulog na ini-release din niya ngayong taon. 

MORE ON MIKOY MORALES:

EXCLUSIVE: Mikoy Morales, naging emosyonal sa set ng 'Maynila'

Playlist: Mikoy Morales – Pusong Hindi Makatulog