Showbiz News

Boobay after his stroke: 'Laki din pasalamat ko at pinagbigyan pa ako ni Lord'

By AEDRIANNE ACAR

Ipinagpapasalamat ng Kapuso comedian na si Boobay or Norman Balbuena sa totoong buhay ang second chance na ipinagkaloob sa kaniya ng Panginoong Diyos.

Matatandaan na noong November 28, 2016, inanunsyo ng kaniyang partner na si Kent Juan Resquir na naospital si Boobay matapos ma-stroke.

Ayon sa reply ni Boobay sa isang kaibigan na nag-comment sa kaniyang Instagram post noong December 28 na malaki ang pasasalamat niya sa Poong Maykapal na siya ay buhay.

Aniya, “@carlos_natividad hello po, ito po nagte take na lang po ako gamot po at therapy at rest po...nxt year pa po makakabalik sa trabaho.. thank you Lord at ok na po kayo... laki din pasalamat ko at pinagbigyan pa ako ni Lord.”

On the road to recovery na ang magaling na comedian at makikita sa kaniyang post sa image-sharing platform na nagpunta siya kamakailan sa Ilocos Norte kung saan bumisita siya sa sikat na Bangui Wind Farm.


Marami rin sa mga celebrity friends ni Boobay ang masaya na maayos na ang kalagayan nito.

MORE ON BOOBAY:

LOOK: Boobay's first public appearance after stroke

MUST-SEE: Unang picture ni Boobay matapos makalabas ng ospital

LOOK: Boobay goes on a road trip a month after stroke