TV

MUST-READ: Alden Richards at Maine Mendoza, maagang naglaan ng panahon para sa kanilang teleserye

By MARAH RUIZ

Inilarawan ni GMA Vice President for Drama Redgie A. Magno bilang "perfect timing" ang pagkakaroon ng teleserye nina Alden Richards at Maine Mendoza, matapos ang Kalye-serye ng Eat Bulaga at ng kanilang pelikulang Imagine You & Me.

Bukod dito, ibinahagi rin niyang naglaan talaga ng panahon para sa teleserye sina Alden at Maine. 

READ: WATCH: Mga bagong Kapuso shows sa 2017, certified trending!

"Even before naayos ang lahat, nagbigay sila ng time. They told us—the management of Maine—that they will really give time for the soap. Ganun din si Alden kasi nga gustong-gusto na naming gawin," pahayag ni Magno sa press conference na idinaos ng Drama Group ng GMA Entertainment TV. 

Inamin naman ni Magno na nagkaroon ng bahagyang delays sa production dahil na rin sa punong schedule ng mga lead stars. Gayunpaman, matindi raw ang ginawang paghahanda ng production para rito.

"Mahaba na 'yung pinagdaanan ng pre-prod[uction]. Pinagpilian 'yung concept talaga. Both GMA and 'yung management ni Maine, 'yun 'yung nagustuhan namin pareho. Maraming ibang concepts na kinonsider pero ito talaga 'yung pinaka, for us, the best concept for Alden and Maine," saad ni Magno.

Todo alalay rin ang GMA kay Maine na unang beses lalabas sa primetime. 

"Siyempre, lahat naman ng support ibibigay namin para maging comfortable siya sa set. Isu-support siya ng production. Alam namin baguhan siya sa soap, so we will also bear with her kung ano man 'yung kailangan ayusin during the taping para hindi naman [siya] ma-pressure," paliwanag niya. 

Inaasahan naman ni Magno na magugustuhan ng fans nina Alden at Maine ang serye. 

READ: Kapuso drama series, patuloy na mamamayagpag ngayong 2017

"I would like to believe na magugustuhan nila ito kasi siyempre, inaral din namin 'yun. Inaral din namin 'yung ayaw nila, 'yung gusto nila but ultimately kami pa rin 'yung [magdi-desisyon]. We are sure na magugustuhan nila ito. Magugustuhan nila 'yung soap," aniya. 

Nakatakdang mapanood ang upcoming teleserye nina Alden at Maine na Destined To Be Yours, sa GMA Telebabad.

MORE STORIES: 

MUST-READ: GMA is the true number one TV station; AGB Nielsen is the more trusted ratings provider

MUST-READ: Kris Aquino, hindi nga ba welcome sa GMA?

GMA Network TV exec, nagsalita tungkol sa 'no to soft porn' policy na isinusulong ni Mocha Uson