Showbiz News

Derrick Monasterio reacts to his viral kissing scene in 'Tsuperhero'

By AEDRIANNE ACAR

Dahil sa mainit na suporta ng mga Kapuso sa Tsuperhero ay nagsimula na ang show na magtaping para sa kanilang second season.

Sa panayam ni GMA showbiz reporter Lhar Santiago sa bida ng Tsuperhero na si Derrick Monasterio sa 24Oras,mas maraming aabangan ang mga televiewers sa trending show nila tuwing Sunday night.

Ani Derrick, “Yung main focus po dito is kung papipiliin ako kung powers ba or ililigtas ko ba ‘yung family ko. Mga ganun Tito [Lhar] mga pang fairy tale ganun [laughs]. Tapos siyempre kasi kami na ni Eva sa season before that so mas maraming kilig scenes pa ayun. Tsaka mas papagandahin pa namin ‘yung action scenes.”

READ: Twitter abuzz with Derrick Monasterio & Bea Binene's first kiss in 'Tsuperhero'

Usap-usapan din ngayon ang first kissing scene ng mga karakter nina Derrick at Bea Binene sa Tsuperhero last episode. Kilig-to-the max ang eksena na ito ng DerBea at nag-trend pa ito sa Twitter.

Aminado naman si Derrick na kahit siya ay kinilig sa kissing scene nilang dalawa.

“Kasi every time naman na may kilig scenes kami, nafi-feel ko talaga, nafi-feel ko talaga personally as Derrick and kinikilig din talaga ako. May kilig din nung may kissing scene.”

Sa darating na Martes, February 14 ay Valentines day na , pero busy raw sina Derrick at Bea dahil may taping sila ng Tsuperhero.

Pero para sa Kapuso hunk, kahit walang work mas gugustuhin niyang makasama ang kapareha sa espesyal na araw ng mga puso.

Aniya, “Siyempre kahit naman siguro wala work, si Bea pa rin kasama ko Tito [smiles].”

Video from GMA News

More on TSUPERHERO:  

WATCH: What you've missed from 'Tsupehero' last February 5

WATCH: Fight scenes sa 'Tsuperhero' na certified trending!

Newbie comedian Valentin on working with DerBea: "Isang malaking honor para sa akin na maka-work sila"