Showbiz News

WATCH: Marian Rivera, nagbigay ng update sa pagbabalik Primetime

By AEDRIANNE ACAR

Nagbigay na ng ilang detalye ang Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa big comeback niya sa primetime matapos opisyal na inanunsyo ng GMA-7 na magkakaroon ng bagong project ang celebrity mom.

Sa panayam ni Marian sa 24 Oras, nagkuwento ito kay GMA showbiz reporter Lhar Santiago patungkol sa gagawin niyang primetime series.

Aniya, “Sobrang happy ako sa show na ibibigay nila sa akin for sure na-miss ng mga tao na gawin ko ‘yung ganung tema. Tiyak ako magugustuhan ng mga chikiting.”

Pero kahit magiging busy na si Yan-Yan sa kaniyang bagong project, nasa isip pa rin nila ni Dingdong Dantes ang kapakanan ng kanilang anak na si Baby Zia.

Saad ni Marian, “Pinag-usapan namin after ng Alyas Robin Hood saka ako magti-taping ng show ko, hindi kasi puwede na parehas kami wala kay Zia kawawa naman ‘yung anak ko.”

Kinumpirma rin ng Kapuso primetime star na magiging simple lamang ang celebration nila ni Dingdong sa Valentine’s Day, dahil busy ang asawa niya sa kabi-kabilang showbiz commitments.

“Dapat mayroon kaso na-move dahil kailangan niya mag-taping ng Alyas Robin Hood 'tsaka ‘yung bago niyang show, pero okay lang at least gagala na lang kami sa Valentine’s kasama ‘yung anak ko. At least ngayon dalawa na kaming date niya.”


Video courtesy of GMA News

 

 

MORE ON DONGYAN:

 

 

IN PHOTOS: DongYan headlines fashion event for an apparel giant     

Dingdong Dantes on his Feb. 14 plans: "Dati isa lang date ko, ngayon dalawa" 

Marian Rivera checks "new business venture" off her bucket list

Photo by: therealmarian (IG)