Showbiz News

 Alden Richards, pinuri si Maine Mendoza sa pagganap sa unang soap

By AEDRIANNE ACAR

Ramdam ang matinding excitement ng mga Kapuso viewers para sa first teleserye ng Eat Bulaga phenomenal couple na sina Maine Mendoza at Alden Richards na Destined To Be Yours.  

Ngayong Valentine’s day ginanap ang grand press conference ng highly-anticipated Kapuso soap sa B-Hotel sa Quezon City. Sa katunayan, nag-trending agad sa Twitter ang naturang event.

 

Exclusibo namang nakapanayam ni Iya Villania ang AlDub sa 24Oras at dito natanong ng Chika Minute host si Maine Mendoza kung paano niya hinarap ang mga eksena kasama ang mga veteran stars ng Destined To Be Yours.

Ani Maine, “Ako po kasi ‘yung mga eksena ko dun karamihan with my family with Mr. Gardo [Versoza], Ms. Janice [de Belen] so parang kinakabahan, sobrang kinakabahan po talaga ako tuwing eksena. Pero nakakatuwa kasi sobrang tinutulungan din nila ako lalo na kasi, karamihan medyo heavy scenes. So parang kailangan ko talaga ng tulong. So parang ‘yung mga tulong na kailangan ko, sila ‘yung nagbibigay sa akin.”

Pinuri naman ng Pambansang Bae ang leading lady na bagamat first soap niya ay madaling naka-adjust sa hectic schedule.

“Actually hindi lang po kaming dalawa, parang all of the cast ang bilis namin naka-adjust with each other especially si Maine kasi first time niya gumawa ng soap. Sobrang ang daming adjustments kailangan niyang gawin in terms of late night shoots, pakikibagay sa mga co-actors,”

Excited na din si Alden  na mapanood ng mga Kapuso ang pinaghirapan nilang project na worth the wait.

Aniya, “Abangan po nila ang Destined To Be Yours mga Kapuso. Isa pong natatanging love story na pagbibidahan po namin dalawa ni Ms. Maine Mendoza at excited na po kaming mapanood n’yo kung ano ba itong Destined To Be Yours, ano ba itong pinaghihirapan at pinagpupuyatan gabi-gabi.”

Silipin ang official trailer ng Destined To Be Yours:

 

MORE ON DESTINED TO BE YOURS:

Alden Richards, excited nang bumalik sa primetime

EXCLUSIVE: Maine Mendoza, thankful sa pag-alalay ng director at co-stars

Photo by: aldenrichards02 (IG)