Showbiz News

WATCH: Marian Rivera umamin na humagulgol sa regalo ni Dingdong Dantes na flower shop last Christmas

By AEDRIANNE ACAR

Taos puso ang pasasalamat ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa pamununan ng Kapuso channel sa walang sawa nitong pag-suporta sa kaniyang career.

Kamakailan lang opisyal na inanunsyo ng Kapuso actress ang pagbabalik niya sa primetime.

LOOK: What's the next big project of Marian Rivera?

Sa panayam ni Lhar Santiago kay Marian para sa Unang Hirit, nakakataba daw ng puso ang tiwala na binibigay ng kaniyang home network.

Ani Marian, “Speaking po ng mapalad, isa pa po 'yan sa pinagpapasalamat ko kasi ang GMA po talaga hindi po nagsasawa sa pagbibigay ng magagandang projects sa akin. Sinuportahan  nila ako simula noong kinasal ako,nag-buntis ako hanggang sa nanganak ako na talagang naka-suporta sila naghintay sila, kailan ako pupuwede.”

Marian Rivera checks "new business venture" off her bucket list

Nag-kuwento din ang celebrity mom patungkol sa bago niyang business venture na Christmas gift ng kaniyang hubby na si Dingdong Dantes.

Ayon sa Kapuso primetime queen napahagulgol daw siya ng tuparin ni Dingdong ang isa sa kaniyang mga bucket list.

“Mahilig kasi ako sa bulaklak so ‘yung asawa ko one time bigla na lang siya nagtanong na ‘ano pa ba ‘yung mga nasa bucket list mo na gusto mo makuha or gusto mo ma-achieve this year?’

“Sabi ko parang gusto ko talaga ng flowershop, kasi mahilig talaga ako sa bulaklak. Sabi niya ah ganun ba, so akala ko wala lang parang na-share lang. Tapos nung Christmas tinupad niya ‘yung pangarap ko wala ‘yung iyak ko hagulgol talaga.”

Panoorin ang buong interview:


MORE ON MARIAN RIVERA:

LOOK: Megan Young reacts to Marian Rivera & Angel Locsin's magazine cover

Portuguese designer João Rôlo personal na hinanap si Marian Rivera para gawan ng damit

WATCH: Video captures how close Marian Rivera & Angel Locsin truly are

Photo by: therealmarian (IG)