Showbiz News

WATCH: 'Unang Hirit' host Lyn Ching, kinilig nang makabeso si Hugh Jackman!

By BEA RODRIGUEZ


“Dream come true” para kay Unang Hirit host Lyn Ching ang makilala sa personal ang Hollywood star na si Hugh Jackman. Naka-bonus pa ang GMA reporter nang makabeso ang aktor pagkatapos nitong lagdaan ang kopya niya ng “Old Man Logan” comics.


Lubos na ikinakilig ng TV host ang kanyang meet-and-greet sa Logan actor, “The fact na hindi naman lahat binigyan niya ng yakap or kiss or even picture with him, talagang sabi ko, napakasuwerte ko pala. Privileged talaga ako.”


???????Ikinuwento pa niya ang kanyang karanasan kung paano siya nakakuha ng halik mula kay Hugh, “May mga dinaanan siyang fans eh, nayakap na niya pero hindi ko nakikita na hinahalikan nila so pagdating niya sa akin [ay] nagpa-autograph pa ako tapos sabi ko, ‘Can I have a hug, too?’ Before that, na-interview ko na siya for the one-on-one.”

All praises si Lyn sa guwapong international actor, “Maganda ang reputasyon niya among the media and everybody else. One of the nicest guys in Hollywood so ‘yung expectations ko [ay] mataas and he met it, and [even] surpassed it pa.”

Umere na sa morning news program ang two-part interview ni Lyn sa Hollywood actor.


MORE ON LYN CHING:

LOOK: ‘Unang Hirit’ host Lyn Ching interviews Hollywood legend Tom Hanks and director Ron Howard

WATCH: ‘Unang Hirit’ gets up close with Melissa McCarthy and ‘Ghostbusters’ director 

MUST-SEE: How did ‘Unang Hirit’ host Lyn Ching look 18 years ago?