Showbiz News

WATCH: Pia Wurtzbach's life advice: 'Huwag po tayong sumuko'

By BEA RODRIGUEZ

 

Malayo na ang narating ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at isa na siya sa mga hinahangaang kababaihan sa buong mundo.

LOOK: 21 photos that show Pia Wurtzbach is the best Miss Universe 

Kahit naabot na ni Queen P ang kanyang tinatamasang tagumpay, hindi pa rin siya tumitigil upang matupad ang iba pa niyang mga pangarap para sa kanyang pamilya.

Bahagi niya sa Unang Hirit, “May mga pangarap din ako na simple lang. I have a two-year-old niece, si Lara [Wurtzbach-Manze], and I [want to] make sure that she grows up well. I [want to also] make sure that my sister [and mom are] healthy.”

Isa man siyang accomplished beauty queen, TV personality at model, puspusan pa rin ang kanyang pagpapakitang-gilas. Ayaw niyang biguin ang mga taong naniniwala sa kanya, “I’m afraid of disappointing my family, I’m afraid of disappointing my mentors, my managers [as well as] the people who trained me.”

IN PHOTOS: Pia Wurtzbach’s Road to Miss Universe 

Aminado ang actress-turned-beauty queen na mahirap ang kanyang pinagdaanan para abutin ang kanyang buhay ngayon ngunit mas lalo siyang nagpursige.

Payo niya sa, “Huwag po tayong sumuko. Minsan talaga [ay] pakiramdam natin na parang ang hirap-hirap ng buhay, kahit ako naramdaman ko ‘yan. I had really tough beginnings. It actually came to a point where I had to live at my friend’s house kasi wala akong matirhan, but it all paid off. Kahit gaano kahirap, kaya pa rin ‘yan. Alam ko maparaan tayo.”

MORE ON PIA WURTZBACH:

LOOK: Pia Wurtzbach joins ‘Asia’s Next Top Model’ 

WATCH: Pia Wurtzbach trains young niece Lara to be a beauty queen 

LOOK: Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach comforts Miss Philippines Maxine Medina