Showbiz News

WATCH: Arra San Agustin, pagiging doktor at hindi pag-aartista ang pinangarap noon

By AL KENDRICK NOGUERA

Lingid sa kaalaman ng karamihan, pangarap na maging doktor ng Psychology graduate na si Arra San Agustin. Bago sumali ang Kapuso actress sa StarStruck V, hindi raw niya inakala na papasukin niya ang showbiz.

Sa ulat ni Aubrey Carampel 24 Oras, ibinahagi ni Arra ang kanyang personal life. Ipinanganak ang aktres sa Mindoro at lumaki siya sa Cavite. Ngayon ay naninirahan siya sa Manila nang mag-isa ngunit malimit daw ay wala siya sa kanyang tinitirahan. Mahilig daw bumiyahe si Arra kasama ang mga kaibigan at ang karaniwang pinupuntahan nila ay ang beach.


Samantala, nang tanungin naman tungkol sa kanyang bagong project na Encantadia, inamin ni Arra na ito raw ang kanyang itinuturing na biggest break. Kaya naman hindi niya maitago ang kanyang nararamdaman nang mapabilang sa cast ng iconic GMA telefantasya.


"To be honest, na-pressure po talaga ako at first. Siyempre naman, grabe ang galing ni Kylie [Padilla]. Siyempre marami ring comparisons lalo na sa viewers and fans. Pero nung narito (Encantadia) na 'ko, super nagha-have fun ako. Especially 'yung mga kasama ko po, they're all nice. And [makikita] mo 'yung teamwork," pahayag niya.

Si Arra ang gumaganap ngayon sa karakter ni Ariana, ang sarkosi o reincarnation ng namayapang role ni Kylie na si Sang'gre Amihan.

Panoorin ang kabuuan ng 24 Oras report:

Video courtesy of GMA News

MORE ON ARRA SAN AGUSTIN:

EXCLUSIVE: Enchanta quiz with Ariana, Luna, and Paopao

EXCLUSIVE: Mikee Quintos, aprub ba kay Arra San Agustin bilang reincarnation ni Amihan sa 'Encantadia?'

Arra San Agustin on working with Michael V: "Si Kuya Bitoy intense"