Showbiz News

Kim Last, binati ng 'Sunday PinaSaya' sa success ng '#TropsGoals' concert

By BEA RODRIGUEZ


Proud na proud ang Sunday PinaSaya sa mga narating ng kanilang mainstay bae na si Kim Last. Bukod sa pag-graduate ng high school sa segment ng Sunday noontime show, successful naman ang concert na kanyang kinabilangan noong Biyernes (March 24).

Dinagsa ang #TropsGoals: Party with the Baes sa SM Skydome kung saan tampok ang That’s My Baes na sina Kenneth Earl Medrano, Miggy Tolentino, Tommy Peñaflor, Joel Palencia, Jon Timmons kasama ang kanilang Trops leading ladies na sina Taki Saito, Toni Aquino at Krystal Reyes.

IN PHOTOS: ‘#TropsGoals’ Party with the Baes 

“Pawis, luha, [konting] dugo pero sobrang worth it. Ito ang end product ng first concert namin, and from this picture alone, kitang kita na napakasaya ang ginawa namin. Thank you sa lahat ng tao that made this possible,” saad ni Kim sa kanyang Instagram post.

Pinasalamatan niya ang Tuviera family, APT, TAPE, Trops, Eat Bulaga, Sunday PinaSaya at higit sa lahat, ang Panginoon, “Thank you sa lahat ng binibigay mo sa amin ng mga brothers and colleagues ko.”

MORE ON KIM LAST:

READ: Kim Last’s heartwarming message for his mother 

LOOK: ‘Trops’ star Kim Last, may gusto kay Ina Raymundo? 

IN PHOTOS: Taste Bae-ddies lessons from Kenneth Earl Medrano and Kim Last