Showbiz News

EXCLUSIVE: Alden Richards at Maine Mendoza, happy at proud sa narating ng 'Trops' baes

By BEA RODRIGUEZ

Extended at limang buwan nang umeere ang millennial-oriented morning drama na Trops na pinagbibidahan ng That’s My Baes ng Eat Bulaga kasama ang kanilang leading lady na si Taki Saito. Handog ng mga ka-Trops ang kanilang successful first-ever concert na #TropsGoals Party With The Baes sa kanilang mga tagasuporta.
 
Surprise guests ang phenomenal love team at Destined To Be Yours stars na sina Alden Richards at Maine Mendoza sa concert nina Kenneth Earl Medrano, Miggy Tolentino, Kim Last, Tommy Peñaflor, Joel Palencia at Jon Timmons.
 
All-out support ang AlDub sa milestone ng mga baes, “Super proud kami sa mga ka-Trops kasi sabay-sabay kami nagsimula sa [Eat] Bulaga tapos ngayon nagka-concert na sila tapos [may soap] pa sila so proud lang talaga kami ni Alden.”
 
Inalala rin ng Pambansang Bae ang pinagmulan ng dance group sa That’s My Bae segment ng Eat Bulaga, “[I’m] very happy na malayo na narating ng Trops kasi halos sabay lang nagsimula ang AlDub at saka ang [baes] eh. Magkasabay kaming na-establish sa Eat Bulaga.”
 
Dagdag pa ng charming actor, “We’re very proud na malayo na rin ang narating ng mga baes. Nakakatuwa na kahit papaano nakasama kami ni Maine dito to show them our support.”
 
MORE ON 'TROPS':
 
LOOK: Kim Last, binati ng ‘Sunday PinaSaya’ sa success ng ‘#TropsGoals’ concert
 
IN PHOTOS: ‘#TropsGoals Party With The Baes’
 
WATCH: Sino sa mga baes ng ‘Eat Bulaga’ ang chick boy?