TV

WATCH: Cast ng 'Alyas Robin Hood,' excited na sa pagbabalik nila sa primetime

By Michelle Caligan

Kumpleto ang original cast ng highly successful primetime series na Alyas Robin Hood sa ginanap na story conference para sa Season 2 nito.

FIRST LOOK: At the story conference of the 'Alyas Robin Hood' sequel

Bukod kay Dingdong Dantes na lead star ng naturang programa, present din sina Andrea Torres, Jaclyn Jose, Paolo Contis, Rey PJ Abellana, Gary Estrada, Gio Alvarez, Dave Bornea, Lindsay de Vera, Rob Moya, Anne Garcia at Luri Vincent Nalus. Magkakaroon din ng bagong characters sa sequel na ito, kabilang sina Solenn Heussaff at Ruru Madrid.

Ayon sa ulat ni Lhar Santiago sa 24 Oras, aminado si Dong na na-miss niya ang kanyang role, pati na rin ang mga kasama niya sa cast at staff.

"Nakaka-miss 'yung cast, 'yung creative people, at siyempre nakaka-miss 'yung character ni Pepe. Timing na timing talaga na magkaroon ng karugtong ang storya kasi kahit ako nabitin sa last scene ng Season 1. So ngayon, nanay na ni Pepe ang kinidnap nila. Ibang usapan na talaga 'yun," kuwento niya.

Kung dati raw ay pagmamahal sa pamilya at kapwa ang naging sentro ng laban ni Alyas Robin Hood, magle-level up daw ito sa Season 2.

"'Yun ang isa sa mga mensahe na gustong iparating ng Season 1. Ngayong Season 2, magkakaroon naman ng strengthened vision kumbaga ang ating programa."

Panoorin ang buong report dito:


Video courtesy of GMA News