
Sa isang Facebook live video, nagpasalamat si Super Tekla sa mga taga-suporta na patuloy na nagdarasal at naniniwala sa kanya kahit hindi na siya mapapanood sa 'Wowowin.'
Ayon sa magaling na komedyante, mapapanood pa rin naman siya sa GMA. Kahapon nga ay napanood siya sa 'Magpakailanman.'
BInanggit rin niya na mapapanood din siya sa ibang shows ng Kapuso Network.
"Sa Sarap Diva, nandyan po ako ng tatlong episodes so abangan nyo po and then sa Celebrity Bluff rin."
Mayroon rin daw siyang show sa Japan at nakatakdang lumipad si Super Tekla patungo roon sa July 28.
Sa pagtatapos ng kanyang FB Live video, muli syang nagpasalamat sa mga naniniwala at sumusuporta pa rin sa kanya.
"Thank you po so much, I love you. salamat po sa lahat ng suporta at dasal, Thank you, Sobra pong nakaka-flatter.I love you all guys! Mwah!"
Posted by SuperTeklah Librada on Thursday, July 6, 2017
MORE ABOUT SUPER TEKLA:
WATCH: Super Tekla, may mensahe kay Willie Revillame
Angelu de Leon on meeting Super Tekla: "May sakit ba yan?"
WATCH: Super Tekla, seryoso at brusko sa likod ng camera