Showbiz News

WATCH: Super Tekla, nalulong nga ba sa sugal at droga kaya nawala sa 'Wowowin?'

By Al Kendrick Noguera

Ilang linggo nang hindi napapanood sa Wowowin ang host na si Super Tekla at maraming balita ang kumakalat ngayon kung bakit nawala siya sa show ni Willie Revillame.

Sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras, sinagot na ni Tekla ang mga isyung nalulong daw siya sa droga at sugal. "Nagbi-bingo ako pero I never thought na that's gambling kasi 'di ba sa mga fund raising [activities] mayroon namang bingo," sagot niya.

"Bakit pa ako babalik doon (paggamit ng bawal ng gamot)? Alam mo ba, ang taong nagda-drugs or 'yung toxicated ng drugs, hindi ka makakapag-isip nang maayos? Once on drugs ka, lutang ka. Pinagdaanan ko na 'yan," pagtukoy naman niya sa isyu ng droga.

May pakiusap din si Tekla sa netizens na humuhusga sa kanya. "Suotin ninyo muna 'yung sapatos ko para malaman ninyo kung ano 'yung pinagdadaanan ko," pahayag niya.

Kuwento pa ni Tekla, malaki ang itinulong sa kanya ng Wowowin lalo na si Willie na binigyan niya pa ng mensahe. "Nami-miss ko 'yung Wowowin of course. Minahal ko 'yun, 'yung Wowowin, sobra. Kuya, never ako nagkaroon ng sama ng loob kasi 'yung binigay mo sa 'kin, though it's not just the financial, inaani ko na siya at aanihan at aanihin pa. Sabi ko nga, hindi ako mahihirapan magsimula," saad niya.

"'Yung nangyari sa Wowowin, it is a wake-up call siguro sa 'kin na mayroon akong dapat baguhin sa aking sarili," dagdag pa niya.

Iiwan ba ni Tekla ang GMA? "Never.Ako 'yung taong napakasimple. Kumbaga ito 'yung salitang utang na loob. Kaya nga puso eh. Kumbaga, mamahalin at mamahalin ko [ang GMA]," pagtatapos niya.

Panoorin ang kabuuan ng 24 Oras report:


Video courtesy of GMA News