Showbiz News

LOOK: Boobay, in a long-distance relationship na ng kanyang nobyo

By Cherry Sun

In a long-distance relationship (LDR) na si Boobay at ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Kent Juan Resquir.
 
Emosyonal na inihayag ni Boobay sa pamamagitan ng kanyang Instagram post ang kanyang mensahe sa nobyo bago ito lumipad patungong Australia.
 
Anang komedyante, “Bon voyage baby @kentjuanresquir. I love you. Ang hirap pero panghahawakan ko [ang] pagmamahal at lahat ng pagsubok na pinagdaanan at nalamapasan natin. Tuparin mo pangarap mo, basta’t andito lang ako, at aantayin kita.”

 
“I love you baby Kendra. I love you so much @boobay7,” naging mensahe naman ni Kent. 


Nakipagkita rin ang dalawa sa kanilang matatalik na kaibigan bago mangibang-bansa si Kent. 


Si Kent ay tumulak patungong Australia kahapon, July 20. Siya ay isang rehistradong physical therapist at physiotherapist.