Showbiz News

Premium tickets para sa concert ni Regine Velasquez-Alcasid na R 3.0, sold out in 24 hours

By Maine Aquino

Punong-puno ng excitement ang mga fans ni Regine Velasquez-Alcasid para sa kanyang nalalapit na concert. Sa unang araw pa lamang ng ticket selling ng R 3.0 ay napabalitang sold out na agad ito. 

Nung July 25 ang unang araw ng selling para sa concert ng Asia's Songbird at within 24 hours ay sold out na ang ilang sections nito.

Ayon sa post ng Viva Live ay opisyal ng isinara ang ticket selling sa Platinum, VIP A, VIP B, Patron A, at Patron B. Maaari pa ring mapanood R 3.0 sa sections mula sa Patron C, Lowerbox1, Lowerbox 2, Upperbox A, at General Admission.