What's Hot

Maki-chikahan kasama ang JoWaPao sa 'The Lolas' Beautiful Show,' ngayong Lunes na!

By Al Kendrick Noguera
Published September 22, 2017 1:45 PM PHT
Updated September 22, 2017 1:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos further expands land area of West Cebu Industrial Park ecozone
Foreign exchange rate, June 08, 2026 | One Western Visayas
Thai GL series to binge-watch this Pride Month

Article Inside Page


Showbiz News



Chika every morning with Lola Nidora, Tidora and Tinidora sa 'The Lolas' Beautiful Show' simula Lunes, Sept. 25 at 11:30 am.

Naghahanap ba kayo ng magpapasaya sa inyong mga umaga? Huwag kayong mag-alala dahil simula ngayong Lunes, September 25, makakasama na ninyo ang Eat Bulaga Dabarkads na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros sa The Lolas' Beautiful Show!

Tuwing umaga, ihanda ang inyong mga sarili sa katatawanan dahil tiyak na walang sawang kakulitan ang ihahatid nina Lola Nidora, Tidora at Tinidora sa nasabing morning talk show bago ang longest-running noontime show na Eat Bulaga.

Ano naman kaya ang sorpresang handog ng mga lola? Abangan ang The Lolas' Beautiful Show tuwing umaga mula Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m., bago ang Eat Bulaga.