Showbiz News

WATCH: Kylie Padilla, dedma sa mga body-shamers

By Bea Rodriguez

No to body shaming ang kampanya ngayon ng hot momma ni Alas Joaquin na si Kylie Padilla.
 
Very happy ang Kapuso star sa estado ng kaniyang buhay kasama ang kaniyang anak at fiancé na si Aljur Abrenica ngunit hindi pa rin niya maiwasan ang mga bumabatikos sa kanya.
 
“First time, ganun pala iyon! Feeling ko talaga, I’m so gorgeous kasi I gave life. Noong nag-comment ‘yung tao, first time ko mag-react ng ‘K. Bahala ka,’” saad ng bagong celebrity mom.
 
“Nag-iba ang tingin ko sa mundo. Before, siyempre bata pa ako, kung anong gusto ko. Ngayon, talagang lahat ng gagawin ko [ay] kasama siya [at] kasama si AJ. Family-oriented na.”
 
Ikinuwento pa ni Kylie ang routine nila ng kanyang pamilya sa loob ng isang araw sa report ng Balitanghali:

Video courtesy of GMA News