Showbiz News

WATCH: Nate Alcasid sings 'I Can' with DoReMi

By Maine Aquino

Tumatak ang performances sa ginanap na R3.0 concert ni Regine Velasquez-Alcasid nitong October 21 at 22.

Isa sa mga ikinatuwa ng kanyang loyal fans ni Regine ay ang kanyang reunion with Do Re Mi co-stars na sina Donna Cruz at Mikee Cojuangco. Ang Do Re Mi ay ang kanilang musical comedy film noong '90s na nagpasikat sa kanilang kanta na "I Can." Parte ng successful concert ng Asia's Songbird ang kanilang pagkanta ng iconic song na mas ginawa pang memorable dahil sa special participation ng kanyang anak na si Nate.

Ayon sa post ni Ronnie Henares, "Another special number from R3.0. Remember the movie Do Re Mi? @reginevalcasid @cacaimitra Mikee cojuangco, Donna cruz."

 

Sa post naman ng asawa ni Regine na si Ogie Alcasid, ikinuwento niya ang kanilang naging pag-uusap ni Nate.

"I asked my son if he was nervous and he said “not really and I was better tonight.” Anak, we are so proud of you! #natesionary"

 

Good job, Nate!